POEA Memorandum Circular No. 4 – Huh? Bonds ba kamo?

May bagong memo galing sa POEA, effective daw mula January 15, 2008. Pakibasa na lang po sa inquirer.net ang buong article: DoLE secretary’s approval now required for direct hires. Praning lang ba ako, o may hidden agenda ang circular na ito?

Sabi sa article:

“Philippine Overseas Employment Administration (POEA) Memorandum Circular No. 4,… requires employers to provide a performance bond equivalent to the worker’s salary for three months, a $5,000 repatriation bond, and medical insurance.”

Tanong ko lang:

Kanino mapupunta ang performance bond? Sa POEA ba o sa OFW? Kung sa POEA, palagay ko unfair. Ito ang isang magandang halimbawa ng “CASH COW” mentality ng pamahalaan natin! Pinagkakitaan na naman ang mga pobreng OFWs. Kung sa OFW deretso mapupunta ang pera e mabuti, pero asa pa kayo?!!!

Bakit may repatriation bond? Di na ba sapat na ipa-declare sa employer na obligasyon niya ang repatriation? Dati naman ganun lang ang requirement di ba? Ano pang silbi ng mga consulates at embassies natin? Tsaka bakit ba lagi ipinapasa ng mga tao sa gobyerno natin ang responsibilidad ng repatriation sa mga foreign employers? Di ba dapat responsibilidad na ng gobyerno natin yun? Style-na-bulok lang ba ito para madagdagan ang income ng POEA? Marunong din naman po mag-math ang mga OFWs. $5000 x number of incoming OFWs = limpak-limpak na salapi! Kung ako ang employer magdadalawang-isip na ko kumuha ng Pinoy dahil ang daming bonds na babayaran. Sino na naman ang talo sa huli?

Medical insurance? Yan aprub sa kin! (hay salamat may tama rin naman pala sa memo kahit paano)

Sabi sa article:

“[The circular]…limits the number of direct-hire employees to no more than five.”

Tanong ko lang:

Bakit may limit? Yung mga hindi makakalabas ng Pinas dahil naapektuhan ng limit na yan e mabibigyan ba ng trabaho ng POEA? Wala namang harangan mga boss!

Sabi sa article:

“Labor Secretary Arturo Brion, who is also chairman of the POEA board, said these new guidelines would provide more protection for direct-hire overseas Filipino workers (OFWs).”

Tanong ko lang:

Protecting OFWs by financial whacking of existing and potential overseas employers? Is that fair? Kung iisipin, di ba tumutulong na nga sila sa pagbibigay ng trabaho sa mga kababayan natin tapos parang sila pa ang masama? Natutunan ko sa anim na taon kong pagtatrabaho na ang laging pinakamainam na solusyon sa problema ay yung tutumbok sa root cause ng problema. Mga foreign employers ba ang root cause ng problema? O may pagkukulang din ang POEA? Kunsabagay may mga abusado rin namang employers pero dapat ba talagang iisa na lang ang tingin sa kanila? Pati yung mga matitino pagbabayarin na rin ng POEA?

Para kay Sec. Brion at POEA:

Sec. Brion, kung nasaan man po kayo naroroon ngayon, talaga po bang napagisipan niyo at ng mga tao ng POEA na makabubuti ang policy na ito sa mga OFWs na katulad ko? Gusto ko pong sabihin na parang dehado yata kami (as usual) at mas makikinabang yata ang POEA sa bagong patakaran na ito. Ano po kaya ang long-term impact nito? Dagdag-kita para sa POEA siyempre pero di ba mas mahal na mag-hire ng Pinoy ngayon dahil sa mga bagong rules na ‘yan?

Kung pipilosopohin ng mga pilosopo sa gobyernong Filipino e maari nilang ihirit na kung kikita ang POEA e makabubuti rin para sa mga OFWs dahil makakatulong ang pondo para sa mga proyektong pang-OFW. Pero pilosopo sa kapwa pilosopo e ‘eto lang masasabi ko dyan: HINDI RIN!!!

9 Responses to “POEA Memorandum Circular No. 4 – Huh? Bonds ba kamo?”


  1. 1 Dave Ching Martes 29 Enero 2008 bandang 6:15 umaga

    Result ito nung mga nagreklamong mga IT company sa pinas (iba nito multinational companies) last year na marami sa mga magagaling na talent nila ang nag-aabbroad. Sa totoo lang, sa mayamang multinational company rin ako nagtratrabaho. Ang problem sa ganitong company ay nakapatern ang pasweldo sa bansa nila, like for ours its the US. May cap ang increase namin ng 15%. Kaya ok lang pag new hire ka, pero habang tumatagal, maoovertakan ang sweldo mo rin. Sa hirap ng buhay, at mahal ng tuition fee sa paaral ng bata, kinakapos din ang iba sa amin. Kaya naman gusto pa rin ng marami sa amin ang mag-abroad.

    Dahil sa dami nang nag-aabroad, nag-lobby ang mga IT firm dito (naglagay ng pera) sa mga government officials para tulungan silang ma-retain ang mga IT staff nila dito. Bukod sa bawal mag-abroad, may mga gentleman’s agreement din ang mga companies dito para di sila pwedeng mag-hire from one another. Effect nito ay wala nang malipatan ang empleyado kung saan mahihigitan pa ang current na sweldo niya. In other words, it’s one form of slavery.

    Kung salaksikin mo ang history ng POEA, wala namang magandang naitulong sa OFW iyan. Nagtrabaho ako sa abroad ng more than 5 years, nang mapauwi ako sa pinas, wala man lang akong natanggap na pera sa kanila. Napunta lang sa bulsa nila yung mga binabayad ko tuwing umuuwi ako.

    Sa totoo lang, aling bansa pa ba sa mundo ang tulad sa gobyerno ng pinas? Ang daming mga expats ko na nakilala, pero wala namang katumbas na POEA sa bansa nila. Malaya silang magtrabaho abroad. They have the feedom to choose. Sa atin bansa lang ang grabe magnakaw ang gobyerno. Di pa nakuntento sa sobrang ka-swapangan, itinaas pa ang VAT.

    Ngayon dagdag na makukurakot ang naisipan ng mga taga POEA, win win sa kanila ito dahil sa nakinabang na sila sa pinaulan na pera ng mga nag lobby, makakakurakot pa sila sa bagong perang papasok. Kung di ba naman talagang halang ang mga kaluluwa ng mga taga PEOA, basta lang kumita, handa silang harangan ang magandang kinabukasan ng kapwa nila pinoy.

    Talagang criminal syndicate na ang gobyerno natin, kinikikilan ka na sa income tax mo, sa mga binibili mo, sa kalye kapag ikaw nagmamaneho (lagay sa pulis, MMDA, LTO), at ngayon pati sa potential na kabuhayan mo ay kikikilan ka pa.

  2. 2 Joe Narvaez Martes 29 Enero 2008 bandang 8:41 hapon

    Thanks for the comment Dave! I like the term you used to describe our government, “criminal syndicate”. Totoo nga yata. Lalo na sa POEA. By the way, have you signed the petition to scrap Circular No. 4? Refer to my post today for details.

  3. 3 melanie Sabado 2 Pebrero 2008 bandang 6:05 hapon

    Joe, sana.. sana mascrap na ito as soon as possible kasi i’ll be stuck with my agency na puro pera lang ang hinihingi! sobra na ito.. direct hire lang ang makakatulong sa aming mga PTs kasi pag nag -aagency ka, naku, kulang-kulang ang 100,000 mo pero pag direct hire, ni isang kusing wala kang ibabayad kasi ang employer mo mismo ang magbabayad lahat para lang makapagtrabaho ka asap. but this incredible memorandum was born, i don’t know. i really don’t know.

    @Dave, if only this country can provide a lot of jobs with good compensation, we would not aspire to go abroad! but reality bites! please lang poea, wag nyo na kaming pahirapan!😦

  4. 4 Joe Narvaez Linggo 3 Pebrero 2008 bandang 10:31 hapon

    Melanie, PT ka pala. Ako Pharmacist, so medyo nakakarelate ako sa yo. Yun nga e, lugi na tayo sa mga agencies, lugi pa tayo sa POEA ngayon dahil sa memo. Saan na tayo lalagay di ba? Hindi talaga ito tama!

  5. 5 Melanie Linggo 17 Pebrero 2008 bandang 1:14 umaga

    hi joe! ang tagal ko ng di nakabisita dito but when I came back here, I was welcomed by a good news: your latest post!🙂 is the Senate going to look into this issue? i really hope so!!

  6. 6 Samantha Linggo 17 Pebrero 2008 bandang 9:11 hapon

    hi joe….

    im presently working here in Qatar, i just got my RP last nov 2007. i came here under visit visa and sa awa ni LORD nakahanap ako ng magandang work with good pay. di pa masyado hirap sa work.just like you mentioned in your blog ” milking cows” ok na sana. kaso bigla akong naalarma sa nabalitaan ko. di talaga maganda ang dating ng MC 04 na ito. sobrang absurd and ridiculous. as in. nakakalungkot.

    so far, what na ba ang latest regarding sa issue na to? wag na sanang ituloy. kawawa naman tayong mga direct hire. baka pag uwi ko sa pinas di na ko pabalikin ng employer ko at kailangan nya magbayad ng bond or whatever. kawawa naman ang pamilya ko.

    sana talaga mawalan na ng trabaho ang 2 na magagaling na gumawa na to. hay….i agree with dave ching, “criminal syndicate”. tumpak talaga.

  7. 7 Joe Narvaez Lunes 18 Pebrero 2008 bandang 12:43 hapon

    Melanie, salamat sa pagbisita mo ulit. Dapat talagang busisiin ng Senado ang memo maski ngayong suspended na ito. Sama-sama tayong magbantay.

  8. 8 Joe Narvaez Lunes 18 Pebrero 2008 bandang 12:46 hapon

    Hi Samantha! Suspended na ang memo. Please refer to my latest post “MC-04 Suspended… But Not Enough!!!” Maraming salamat!


  1. 1 A new hide for this cow « Milking The Cash Cow Bakas-pabalik nasa Sabado 24 Enero 2009 bandang 8:12 umaga

Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




THE BLOG AND THE AUTHOR:

...sapagkat ang gobyerno natin ay may "cash cow mentality" pagdating sa mga Overseas Filipino Workers.

(Read On "Milking the Cash Cow")

...sapagkat ako ay isa ring OFW; may mithiin, marunong magisip at nagnanais marinig... Makabagong bayani daw... Sa totoo'y tampok na gatasan ng pamahalaan. (English)

Subscribe to cashcow feed
Add to Technorati Favorites

RSS What’s new in Shuttercow?

Blog Stats

  • 118,111 hits
blogarama - the blog directory
Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

%d bloggers like this: