Adik ka rin ba sa American Idol?

Oo aaminin ko na sige na! Na-adik na rin ako manood ng American Idol. Nagsimula ito nung Season 5 nang bigla ko natipuhan saksihan ang mga audition episodes. Nakakaaliw naman talaga kasi makita ang mga wannabees na gumigimik ng kung anu-ano para lang magpapansin. Waepek rin naman! Kadalasan pa, sila itong mga sablay at sintunado! Kung bata-bata lang ako at nakatira sa US e malamang nag-audition na rin ako (hmmm ano kaya ang bagay na costume sa akin?). Pero heto, nasa kabilang panig ako ng mundo ngayon kung saan hindi uso ang American Idol. Galit yata ang mga Intsik sa mga Amerikano ewan ko ba. Hindi katulad nating mga Pilipino na kulang na lang e humalik sa puwet ng mga Kano para lang mangopya ng kanilang pop culture, mas magtangkilik ng produktong stateside, atbp… Kailan kaya mahuhugasan ang colonial mentality ni Juan dela Cruz?

Dito sa flat ko sa Hong Kong, walang cable channel na nagpapalabas ng American Idol kaya sa internet na lang ako sumasagap ng mga pinakabagong episodes. Ayun na nga, may Pilipino na naman sa season na ito pero natanggal din ngayong linggo. Magaling si Ramiele Malubay kaso mukhang mali nga lang yata talaga ang timpla ng mga pinipili niyang kanta bukod sa marami ring magagaling na ibang kalahok (Archuleta o Cook ang pusta ko) . Tuwang-tuwa pa naman ako kapag naririnig ko si Ryan Seacrest na pinipilit bigkasin ng tama ang apelyido ni Ramiele, “…here is Ramiele Maloooooobaay.” Parang nakaganti na rin tayo sa mga Kano kapag naririnig ko si Seacrest na hirap na hirap bumigkas ng Tagalog maski isang apelyido lang yun. Aba’y ang lagay e tayo na lang ba ang laging maghihirap mag-ingles? hehe.

Pero hanggang dito na lang talaga ang byahe ni Ramiele sa palabas na American Idol. Sigurado naman ako na taos-puso siyang tatanggapin sa Pilipinas katulad ng ginawa ng mga Pinoy kay Jasmine Trias. Ano kaya ang unang ‘commercial’ na gagawin niya sa Pinas palagay mo?

10 Responses to “Adik ka rin ba sa American Idol?”


  1. 1 Rowjie Biyernes 4 Abril 2008 bandang 4:21 hapon

    mas gusto ko si ramiele kaysa kay jasmine. i agree with you. magaling naman talaga si ramiele. ang problema lang talaga eh ang mga pinili niyang kantahin. sayang talaga. pero natanggal man siya, di ko naman masasabing hindi siya magaling.

    tsaka obviously ay mabait siya kasi nilapitan agad siya ng mga natitirang contestants pagka-announce na siya ang natanggal.

    sana nga ay mapadpad siya dito. instant star siya. pag-aagawan siguro yan ng abscbn at gma. pero i hope sa gma siya since gma ang partner ng fremantle media dito sa pinas. pag-aagawan din siguro ng mcdonalds at jollibee. tignan na lang natin kung sino ang magwawagi…

  2. 2 foobarph Sabado 5 Abril 2008 bandang 12:31 umaga

    hindi ako adik jan, ala akong time kasi…. hay…..

  3. 3 Maldito Sabado 5 Abril 2008 bandang 12:42 hapon

    palagay ko napkin..joke..aha he he..oo, dami nang binigay na chance sa kanya na pumili ng kantang mas bagay sa voice niya.pero she discarded it.so ayan sayang ang seat niya.pero indi pa naman nagtatapos cguro ang fame nya..may pinas pang nag iintay sa knya.

  4. 4 darylle Linggo 6 Abril 2008 bandang 6:25 hapon

    corny na..cliche na tong gimik ng media para magka-pera..hahai..yumayaman pa sila..la akong paki-alam jan..

  5. 5 antuken Martes 8 Abril 2008 bandang 3:37 hapon

    joe!!!! hindi ba lumalabas ang link ko? ang akala ko matik na yun… eniwei, here it is: majorsleepyhead.wordpress.com
    —————
    Joe: Yep wala ang link mo. Edit mo sa profile mo para matik matik.

  6. 6 islander Martes 8 Abril 2008 bandang 11:37 hapon

    thanks sa add bro! add kita maya pag nasa bahay na ako..sa office pa ako ngayun

  7. 7 angel Huwebes 10 Abril 2008 bandang 1:35 umaga

    lagi ako nanonood kaya lang nung isang beses na hindi ko pinanood natanggal naman si Ramiele..

    Ngayong wala na sya, di na ko nanonood..

  8. 8 zylla3 Sabado 12 Abril 2008 bandang 12:00 hapon

    Dancing with the Stars lang ang kaya kung panuurin (?) actually nag post ako ng DS dahil medyo related sa Philippines. Baka makalimutan mo http://zylla3.wordpress.com –Hindi ko pa alam mag-iwan ng link sa pangalan. Thanks!

  9. 9 mardito Miyerkules 30 Abril 2008 bandang 4:13 hapon

    hahaha. medyo adik din naman ako sa american idol because i want to see great talents (naks kala mo producer)

    magaling rin naman si ramielle kaso naman parang hanggang simula lang siya… hindi sa nang oofend pero she chooses songs that doesnt fit her…
    thats all i thank you🙂
    —————
    Joe: Medyo nga. Thanks for visiting! Ano ang link address mo?

  10. 10 A Fil-Am JOurney Miyerkules 7 Mayo 2008 bandang 1:14 umaga

    I had fun reading your post. Now, I am learning more tagalog here.
    —————
    Joe: Thanks! Please do come back for more ‘tagalog lessons’🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




THE BLOG AND THE AUTHOR:

...sapagkat ang gobyerno natin ay may "cash cow mentality" pagdating sa mga Overseas Filipino Workers.

(Read On "Milking the Cash Cow")

...sapagkat ako ay isa ring OFW; may mithiin, marunong magisip at nagnanais marinig... Makabagong bayani daw... Sa totoo'y tampok na gatasan ng pamahalaan. (English)

Subscribe to cashcow feed
Add to Technorati Favorites

RSS What’s new in Shuttercow?

Blog Stats

  • 118,111 hits
blogarama - the blog directory
Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

%d bloggers like this: