Mga Hangad na Aklat

Sa pagkakataong ito ay magfi-Filipino naman ako. Napansin ko kasing nag-ala-Tagalog na ang WordPress; bagaman di pa ganap ang mga pagsasalin. Bukod dito ay hindi naman yata magaling kung lahat na lamang ng aking isusulat ay gamit ang wikang Ingles. Isa pa’y Tagalog naman talaga ang pinili kong pangunahing wika nung ako ay nagsimula sa WordPress. Napukaw din ako ng kayayari lamang na artikulo (Filipino: Paraan ng Pagtanaw at Pananaw) ng hinahangaan kong manunulat na si Ginoong Añonuevo sa kanyang Alimbukad blog.

Ngunit hindi tungkol dito ang paksa ko. May mga aklat kasi na kating-kati akong bilhin simula’y aking napagalaman. Ito ang nais kong ibahagi. Una, ay ang “History Handbook for Overseas Filipinos.” Ayon sa paglalarawan ng Inquirer.net [1] at batay na rin sa pamagat, ang nasabing aklat ay nababagay na basahin para sa mga OFW na kagaya ko. Ang pagkakasulat ay talagang iniayon sa lumalagong bilang ng mga nangibang-bayan na Pinoy. Mahilig rin talaga akong magbasa ng mga aklat tungkol sa kasaysayan kaya tamang-tama ito para sa akin. Nagbilin na ako sa aking mga kaanak sa Pilipinas na ibili ako ng kopya at ipadala dito sa Hong Kong.

Ang ikalawa na nais kong bilhin ay ang “Special Centennial Edition” ng Philippine Journal of Science [2]. Biruin niyong mayroon pala tayong ganitong uri ng journal pang-agham. Naisip ko tuloy ang kabagalan ng gubyerno natin sa pagsusulong ng siyensiya kaya’t marami ang utak na bagkus sa Pilipinas pinapakinabangan ay sa ibang bansa nagagamit. Naalala ko rin tuloy noong nakaraang eleksyon, ikinampanya kong maigi sa aking mga kamaganak, kapitbahay at kasamahan sa trabaho ang AGHAM para sa Party List sa paniniwalang malaki ang tulong na magagawa nito. Halos lahat sila ay nahikayat kong bumoto para sa AGHAM Party List. Ngunit talagang mas marami ang di tumangkilik sa AGHAM kumpara sa bilang ng aking mga kamaganak, kapitbahay at ka-opisina. Wala sa kamulatan ng masa ang siyensiya. Nakakapanghinayang…

… Kapag umuwi ako ng Pilipinas sa kapaskuhan ay sasadyain ko ang pagbili ng nasabing journal. Marahil ay naipadala na rin sa akin ang kopya ng History Handbook pagdating noon. Gusto ko nang simulan ang pagbabasa…

1 Response to “Mga Hangad na Aklat”


  1. 1 jane Miyerkules 15 Oktubre 2008 bandang 10:56 umaga

    Napakaraming mapupulot na aral sa blog mo. sana mabasa mo na ang librong yun at magpost ng review dito🙂
    —————
    Joe: Maraming salamat Jane! Dalaw ka lagi.🙂


Mag-iwan ng Tugon

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s




THE BLOG AND THE AUTHOR:

...sapagkat ang gobyerno natin ay may "cash cow mentality" pagdating sa mga Overseas Filipino Workers.

(Read On "Milking the Cash Cow")

...sapagkat ako ay isa ring OFW; may mithiin, marunong magisip at nagnanais marinig... Makabagong bayani daw... Sa totoo'y tampok na gatasan ng pamahalaan. (English)

Subscribe to cashcow feed
Add to Technorati Favorites

RSS What’s new in Shuttercow?

Blog Stats

  • 118,111 hits
blogarama - the blog directory
Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!

%d bloggers like this: