Posts Tagged 'American Idol'

Adik ka rin ba sa American Idol?

Oo aaminin ko na sige na! Na-adik na rin ako manood ng American Idol. Nagsimula ito nung Season 5 nang bigla ko natipuhan saksihan ang mga audition episodes. Nakakaaliw naman talaga kasi makita ang mga wannabees na gumigimik ng kung anu-ano para lang magpapansin. Waepek rin naman! Kadalasan pa, sila itong mga sablay at sintunado! Kung bata-bata lang ako at nakatira sa US e malamang nag-audition na rin ako (hmmm ano kaya ang bagay na costume sa akin?). Pero heto, nasa kabilang panig ako ng mundo ngayon kung saan hindi uso ang American Idol. Galit yata ang mga Intsik sa mga Amerikano ewan ko ba. Hindi katulad nating mga Pilipino na kulang na lang e humalik sa puwet ng mga Kano para lang mangopya ng kanilang pop culture, mas magtangkilik ng produktong stateside, atbp… Kailan kaya mahuhugasan ang colonial mentality ni Juan dela Cruz?

Dito sa flat ko sa Hong Kong, walang cable channel na nagpapalabas ng American Idol kaya sa internet na lang ako sumasagap ng mga pinakabagong episodes. Ayun na nga, may Pilipino na naman sa season na ito pero natanggal din ngayong linggo. Magaling si Ramiele Malubay kaso mukhang mali nga lang yata talaga ang timpla ng mga pinipili niyang kanta bukod sa marami ring magagaling na ibang kalahok (Archuleta o Cook ang pusta ko) . Tuwang-tuwa pa naman ako kapag naririnig ko si Ryan Seacrest na pinipilit bigkasin ng tama ang apelyido ni Ramiele, “…here is Ramiele Maloooooobaay.” Parang nakaganti na rin tayo sa mga Kano kapag naririnig ko si Seacrest na hirap na hirap bumigkas ng Tagalog maski isang apelyido lang yun. Aba’y ang lagay e tayo na lang ba ang laging maghihirap mag-ingles? hehe.

Pero hanggang dito na lang talaga ang byahe ni Ramiele sa palabas na American Idol. Sigurado naman ako na taos-puso siyang tatanggapin sa Pilipinas katulad ng ginawa ng mga Pinoy kay Jasmine Trias. Ano kaya ang unang ‘commercial’ na gagawin niya sa Pinas palagay mo?

Advertisements

THE BLOG AND THE AUTHOR:

...sapagkat ang gobyerno natin ay may "cash cow mentality" pagdating sa mga Overseas Filipino Workers.

(Read On "Milking the Cash Cow")

...sapagkat ako ay isa ring OFW; may mithiin, marunong magisip at nagnanais marinig... Makabagong bayani daw... Sa totoo'y tampok na gatasan ng pamahalaan. (English)

Subscribe to cashcow feed
Add to Technorati Favorites

RSS What’s new in Shuttercow?

Blog Stats

  • 126,552 hits
blogarama - the blog directory
Sali Na! Join the Pinoy Wordpress Bloggers Community!
Advertisements